Monday, July 20, 2009

////

Niya

"Sometimes"
drawn in MS Paint



"Ano?! Sumagot ka! Magpaliwanag ka! Sagutin mo lahat ng tinanong ko!", sabi Niya.

Hindi ako sumagot. Hindi ako nagpaliwanag. Hindi Niya rin naman ako papakinggan dahil alam kong galit siya, galit na galit. At ang taong galit, walang ibang naririnig kundi ang sarili, walang ibang nakikita kundi ang pagkakamali. Kaya ako'y nanatiling tahimik. Pinipigilan kong magalit sakaNya. Sa totoo lang wala na akong pakialam. Ganito na talaga Siya simula palang nang magka-isip ako.

Nanatili ako sa sala, nakaupo sa sofa. Nandiyan pa rin Siya, nagsasalita, kausap ang buong bahay na sanay na sa boses Niya. Naglakad - lakad Siya, kunwari'y nag-aayos ng mga gamit habang patuloy na nagsasalita. At kung ano man ang kanyang nais na ipahiwatig ay Siya lang ang nakakaalam.

Sabi Niya lumayas daw ako. Ngunit ako'y nanatiling nakaupo doon, hindi kumikibo dahil kabisado ko na Siya. Hanggang sa umalis Siya. Ilang araw din Siyang wala. Nakalimutan ata Niya na may mga halaman Siyang dapat diligan, mga halaman na tinuruan Niyang maglakad para lamang makita Niyang maglakad palayo sa kanya.

Napupndi na ang ilaw; Kulay putik na ang liwanag nito. At ako - nakaupo pa rin doon. Maya - maya'y matutulog na ako. Bukas ay mageensayo nanaman akong lumipad. May sarili akong mga pakpak, may sarili akong hangin. 'Wag nilang ipamukha sa akin na hindi ko sila kailangan.



***end***

0 Reactions to this post

Add Comment