Wednesday, August 5, 2009

////

May Isang Bata

***


Ito ay kwento ng isang bata. Ang tawag ng mga tao sakanya ay "Ibil". Tama, siya si Ibil. Kakaiba siya dahil gusto siyang busugin ng madaming tao pero ayaw niya. Nag-aalala tuloy si Baterply sa kanya, kasi baka mangayayat siya at mamatay sa gutom. Hmmm.. Si Baterply ay dating kaibigan ni Ibil. Eh, bigla nalang sinabi ni Ibil na "Ayaw na kitang maging kaibigan". Pero si Baterply ay di susuko kasi sabi ni Ibil dati "Wag tayong susuko". Eh, sumuko na si Ibil kasi daw nawalan na siya ng gana.. Sure? Kilala na ni Baterply si Ibil. Pero mas kilala pa rin ni Ibil ang sarili niya. Pero alam ni Baterply na nawawala nanaman siya sa sarili niya. Masakit man tanggapin ang katotohanan may mga bagay na sadyang nakakabadtrip. Gusto pa rin tulungan ni Baterply si Ibil. Ngayon, mas naiintindihan na niya si Ibil.

Tingin ng mga tao kay Ibil ay ibil talaga. Pero may kukunting tao na hindi ganun ang tingin sa kanya. Isa na dun si Baterply,pati na rin ang mga pinaka malalapit na kaibigan ni Ibil na sila Andu, Bebotenga at Cheerwen.

Ayaw ni Baterply isuko si Ibil kasi gusto nyang wag sumuko kaya walang pakialamanan. Atsaka MATIGAS ANG ULO ni Baterply.

Baterply: "Haaay, Ibil, wag kang malumbay"
Ibil: "Leave me alone!"
Baterply: "Ay, waw, english speaking..Hhihi..."

Pakiusap lang ni Baterply sa mga tao, wag husgahan agad si Ibil. Di niyo alam ang lahat ng pinagdaanan niya at pinagdadaanan niya. Wag kayo loser okay? Haha.. Masaya si Baterply dahil atleast nakilala niya si Ibil, may pagka-Buloy nga lang talaga si Ibil. Hindi niya siguro naalala ang sinabi niya na "It's better to have loved than to never have at all". Siguro sa susunod na century malalaman na ni Ibil na dapat si Baterply ang kaibiganin niya habang buhay. Kaso lang baka mabingwit ng mangingisda si Baterply. Oh well, ganyan talaga ang buhay. Weather - weather lang.

Mabait si Ibil, mabait siya. Kung nawala man ang apoy na pumapaso sa kanya kay Baterply, wala na tayong magagawa. Hanggang kailan siya tatakbo palayo sa pag-ibig? Hanggang kailan niya iihipan ang dagat kung saan siya naglalayag at tatawagin nanaman niya itong bagyo? At kung mabasa niya ito, mainitindihan niya kaya?

Baterply: "Ohhhh.,.. Ibil, salamat.... Usap tayo ulet next time.. Dapat maging frens tau.. olryt? ^^,"

(Nalulungkot lang talaga si Baterply kasi lilipad siya nang di kasama si Ibil, may pakpak naman ERA si Ibil! Mas malaki pa nga pakpak niya kay Baterply. Wakoko ^^,)


***

0 Reactions to this post

Add Comment