Sunday, August 1, 2010

////

What do you think about this story?

 
Note: I used TAGLISH here. It is a slang ‘language’ which is a combination of Tagalog, our national dialect, and English, the world’s most used language. Why I used taglish? Because I feel that it’s better and funnier to use it for this story than just plain English. Para bonggang bongga, bonggavilla. XD

   Inisip ko if i-post ko 'to...kaso..sige nalang, ipost ko nalang..baka magka-amnesia ako, atleast meron akong mababasa to remind me of something. :)

    I was thinking where to start; maybe I could just narrate the events like milestones. But even milestones aren’t helpful enough to lay the sequence. It happened like this:

    Isang hapon, pagkatapos ng trabaho, napagdesisyunan namin na tumagay sa isang malayong lupain. Eh kasi naman, ewan ko anong pumasok sa isip namin. Basta gow, gow, punta sa malayo, sa may dagat, sa Patalon (it’s like an hour away from the town), para tumagay. Actually, ako, gusto ko talagang gumala at uminom. At kung bakit sa Patalon talaga, ay hindi ko exactly alam. XD

    Hayun, bumili kami ng Tanduay Ice. Well, I’d like to advertise Tanduay Ice, you gotta try it guys. It’s a new product from Tanduay distillers themselves. It’s a drink, containing 5% alcohol that tastes like Sprite with a pinch of Buko juice. What’s nice about it is that you’ll get to enjoy the spirit of the beer without even tasting it. I mean, you can get rid of the bitter tastes of beers. XD. Zalos, located in Camins, sells it for 34 pesos only, while in Catribo, the price ranges from 55- 65. I’m telling this to you so that you’ll be guided. XD

    Teka, where are we? Ahhh.. Yeah, just like what I’ve said we bought Tanduay Ice. After that we drove off to a beach resort in Patalon. I forgot the name of the place though I tried to memorize it. >.<

    Umalis kami sa town around 6pm. On our way, napansin namin na parang uulan. Eh, makukulit na bata kame, gow gow parin. Kahit na tanong siya ng tanong if gow parin, kahit na pinagiisipan ko if gow parin, eh tuloy tuloy naman ang andar ng motor, edi gow parin! Haha. Ano daw? Ang gulo. XD

    Ayun, naabutan kami ng ulan sa daan. Una, umambon, tapos umulan na. Ang kawawang driver basang basa sa ulan. Ako, paa ko lang nabasa, andun kasi ako sa likod nya. XD

    Pero in fairness ang ganda ng papunta dun enjoy na enjoy ako. Ewan ko ba bakit basta nagenjoy ako. Haha. Ewan ko if nagenjoy ba un siya papunta dun, kawawa naman, pagod na nga mag-drive, nabasa pa ng ulan. Alangan ako magdrive eh di nga ako marunong mag bike, motor pa kaya. Haha. Pero sabi niya nagenjoy naman daw siya. Weh? Di nga? XD

    Okay, so there, we arrived in the place gabi na, umuulan pa. Pero naabutan naman namin ang dagat, di naman un tumatakbo eh. XD. When we arrived, someone from the resort went to us to say that they are closed for the night. CLOSED! All caps! Eh ang layo layo ng binyahe namin tapos closed! Haleer, kuya, okay ka lang? haha. I told him na pwede bang pasilong muna kami kasi umuulan. Buti naman, mabait siya at pinayagan niya kami. So okay na.

    Kwento – kwento lang kami dun ng kahit anong bagay na mapag – kwentuhan. It was so relaxing. Idagdag mo pa ang paghampas ng alon sa dagat, ang patak ng ulan, ang malimlim na ilaw na bumabalot sa paligid, at kaming dalawa, sa isang open cottage, umiinom ng Tanduay Ice at kumakain ng Piattos. Ang bongga. Haha.

    Di katagalan ay lalong lumakas ang ulan. Pati upuan namin nabasa na ng ulan. Ayos lang, basa naman talaga kami, este siya pala. Tapos, nagBlack-out. Hayun, binalot na talaga kami ng kadiliman. Di din kami makauwi kasi ang lakas ng ulan. Bonggang bongga. Tawa ako ng tawa. Haha.

    Tinanong niya if may regret ba ako dahil tumuloy pa kami, nastranded tuloy kame. Regret? Ni hindi ko nga naisip un! Tinanong niya din bakit ako sumama sakanya, ganun ba daw ako, basta basta sumasama. Actually, madami  siyang tanong pero di ko sinasagot ng maayos, ung iba. Haha. Di ko alam kung naexplain ko ba ng maayos, hindi talalga ako basta basta sumama unless may tiwala ako sa tao. At hindi ko talaga alam kung bakit ako sumama sakanya. Basta ang alam ko, sasama ako sakanya maligaw man kami sa daan, mabasa man kami ng ulan, at kahit alam kong meron siyang masasaktan. Ang bongga, parang tula. XD

    Ay basta, humahaba na ang kwento na to. Nakakaloka kasi. Hindi ko inexpect na ganun kasaya yun. Isipin ko palang na nastranded kami dun, madilim, totally MADILIM, umuulan, basa siya mula ulo hanggang paa, at ako medyo nabasa, napapangiti na ako. Eh kasi ang bongga, parang yung mga napapanood ko sa TV, nung may TV pa kami. Haha.

    Seriously, I had fun, super fun. It’s something unusual. It’s something that happens once in a lifetime. It’s something that I could always remember. :) . Sabi niya sana palaging ganun, na di na matapos ang gabing yun. Sa isip ko naman, sinabi ba talaga niya yun o lasing lang siya? O lasing lang ako? Pero dalawang bote lang naman ininom namin.haha. Sa isip ko, sana palaging ganun, na nakakarelax siya. Actually, sa aming dalawa siya ang mas may problema. Sa aming dalawa, siya ang mas malungkot, na hindi ko alam kung bakit. At di ko alam kung tama ba ako. XD. Pero sabi niya malungkot daw ako kahit nakangiti. Hindi niya din ata alam kung bakit, kasi di ko naman sinabi.

Nung medyo tumila na ang ulan, umuwi na kami. Iniwan namin kalat namin dun. XD.
The only regret I had is that, hindi ako nakadala ng extra t-shirt for him. :D

P.S.
Nakalimutan namin maligo sa dagat! Pero okay lang. XD

3 Reactions to this post

Add Comment
  1. eoko said... August 1, 2010 at 6:48 PM

    so mali pala hinala ko.. wakokokoko!! XD

  2. jet MUSIC said... August 1, 2010 at 6:49 PM

    wakokoko eonz! wag na manghula-hula, bad yan! hahahaha

  3. eoko said... August 1, 2010 at 7:10 PM

    lol. hahahaha! okies.. okies.. hehehe. :)