Tuesday, June 22, 2010

////

Eh?


Ako

Ay nagbibilang ng araw sa talaarawan
Na walang ibang ginawa
Kundi ipaalala sa akin na
Pwede kitang pagmasdan.

At hanggang tingin lang.

Ay ibinabalik ang mga araw
Pati ang bulaklak na nalalanta na
Ngunit ang pagtapon ay 'di ko kaya,
Parang isang sayaw,

Ngunit ako lang ang gumagalaw.

Pati ang langit, tahimik
Pilit na iniiwas ang mundo
Sa gusto kong magmay-ari nito
Dahil alam kong isang imik -

Pagnanasa ko'y magbabalik.

Ako - ang kabuuhan ng taong ito
Damdaming tumatangis,
Hanging dumadaplis,
Isang palaisipan sayo.

Ako - tumatangi sa iyo.


*This is a Tagalog poem. Tagalog is our national dialect in the Philippines. If you want to understand the poem please seek the aid of Google translate :D *

0 Reactions to this post

Add Comment