Thursday, February 5, 2009

////

ANG KAIBIGAN KONG PALAKA

Minsan pumunta kami sa hardin, gusto niya daw kasi ng kasama kaya pumunta kami sa hardin. Ang sabi niya sa akin gusto niyang lumipad. Ang sabi ko naman "Nah, frogs don't fly! They just leap, sometimes they can leap high..". Sabi niya naman, "But I want to fly..."

Tapos sabi ko, "Anong magagawa mo, PALAKA KA LANG".
Natahimik siya habang naglalakad kami sa buong hardin. Hay, kung alam ko lang na 'yun lang ang dapat kong sabihin para tumahimik muna siya, para mapakinggan muna namin ang ihip ng hangin, kami lang dalawa, sa loob ng hardin, edi sana paulit-ulit ko nalang sinabi na "Anong magagawa mo, PALAKA KA LANG"
"Anong magagawa mo, PALAKA KA LANG"
"Anong magagawa mo, PALAKA KA LANG"
"Anong magagawa mo, PALAKA KA LANG"
uulit-ulitin ko..

Bigla - bigla sabi niya, "..Ikaw? Wala ka bang magagawa?".
Sabi ko, "Wala. Di kita kayang bigyan ng pakpak.. Ang kaya ko lang ay maging malaking dahon ng gabi na sisilungan mo pag umuulan... Uhm.. Useless ba ako sa'yo kung ganun?"

"HINDI NAMAN....", sabi niya.

Ah.... Hindi naman pala ako useless. Iniisip ko, habang nililibot namin ang hardin - umalis na kaya ako dito?
Pero ang sabi niya kasi 'wag ko siyang iwan, ayaw niyang mag - isa.

Kaso lang bakit gusto niyang lumipad?
Eh, alam naman niya na hindi ako makakalipad, na kung nagkataon ay maiiwan ako dito kasi lilipad na siya.. Di ako makakasama..

At ayun, narealize ko... Magkasama nga kami pero magkalayo naman ang aming mga isip.
Ang tingin niya ay nasa mga ulap, ako - sa damo. Parang di din kami magkasama pag ganito.

Paano yan naguguluhan na ako, ang gulo ng isip ko, siya lang ang nasa isip ko.


Tapos isang araw nakita ko siya, may kasamang palaka. DEADMA. Magsama silang mga palaka.
Ako... Dito lang muna ako sa hardin.
Maganda pala dito noh? Madaming bulaklak, maaliwalas, at madaming puno.
Madami palang puno dito.... na pwedeng silungan...

2 Reactions to this post

Add Comment
  1. Zin™ said... February 9, 2009 at 6:58 AM

    "Solitude is a good place to visit, but not a very good place to stay.."

    That's all I can say..

    Peace. :)
    -Zin

  2. jet MUSIC said... February 13, 2009 at 11:58 PM

    haha... OmGee... u are right.. as for now i have to stay... :(